Na-corner ng mga showbiz reporters si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual sa ginanap na media conference ng sweetcom niyang 'My Papa Pi' kasama sina Pia Wurtzbach, Pepe Herrera, at iba pa, na kung sakaling alukin ba siya ng proyekto sa bagong network ni dating senador Manny Villar, papayag ba siyang lumundag dito?

Tahasang sagot ni Papa Pi, “Kung hindi siya conflict sa shows ko sa ABS-CBN, I don’t think it’s gonna matter. As long as the concept is good."

"Pero for now, I’m just gonna bask in whatever I have right now with ABS-CBN because there’s so many shows that I’m working on. I don’t think I have the time for that in the near future,” saad umano ni Piolo.

Matatandaang kapipirma lamang ulit ni Piolo ng kontrata sa ABS-CBN, sa kabila ng mga bulung-bulungan na lilipat na siya nang tuluyan sa ibang TV network.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Mukhang lagari na naman si Papa Pi dahil dalawa na kaagad ang nakalinyang proyekto para sa kaniya. Bukod sa 'My Papa Pi', magtatambal sila ng bagong Kapamilyang si Lovi Poe sa Pinoy adaptation ng Korean series na 'Flower of Evil'.

Samantala, sweetcom (sweet at sitcom) naman ang tawag sa kaniyang bagong show na magpapangiti at magpapatibok umano sa puso ng mga manonood. Ito yata ang manok ng Kapamilya sa sitcom ni John Lloyd Cruz na 'Happy ToGether' sa GMA Network.

“It’s a nice breather. I even surprise myself dito sa show. Ang sarap having a solid cast and a director na fun. ‘Pag nakakapagpatawa ka o nakakapagbigay ng ligaya sa paligid mo it’s a nice feeling pabalik sa ‘yo,” aniya.

Originally, si Angelica Panganiban ang katambal dito ni Piolo subalit ang sitsit, nagkaroon ng conflict sa kaniyang schedule, kaya si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pumalit sa kaniya. May mga chika rin na magpapahinga daw muna ang aktres dahil sa pagkakasakit nito. Hindi naman siya nabakante dahil mayroon siyang digital series na 'The Goodbye Girl'.

Makakasama rin dito sina Joross Gamboa, Alora Sasam, Hyubs Azarcon, Frenchie Dy, Katya Santos, Daisy Lopez o Madam Inutz, at ang breakout stars na sina Anthony Jennings at Daniela Stranner mula sa pelikulang 'Love at First Stream'. Ito ay nasa direksyon ni box-office at award-winning director Cathy Garcia-Molina.

Ang sweetcom ay mapapanood umano tuwing Sabado ng 7:00 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC, na magsisimula na sa Marso 5.