Tiniyak ni Aksiyon Demokratiko Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na hindi niya hahayaang madiskaril ng mga surveys ang kanyang pangangampanya para sa May 9 presidential polls.
Ayon kay Moreno, napakainit ng ginagawang pagtanggap sa kanya ng publiko, saan man sila magpunta at ito aniya ang solidong batayan ng kanyang winnability sa darating na eleksyon at hindi ang mga survey.
Malaki ang paniniwala ni Moreno na sa natitira pang mahigit na 80 araw ng pangangampanya ay makukuha niya ang puso ng mga Filipino at masusungkit ang pinakamataas na posisyon sa bansa, gaya rin noong tumakbo siya sa pagka-alkalde noong 2019.
Tulad din ng dati kung saan si Moreno ay tumakbo na kalaban ang mga political giants ng Maynila at palagian na siya ang nakakakuha ng ikatlong puwesto sa survey hanggang sa pagdating na ng kampanyahan kung saan unti-unti siyang umangat hanggang sa manalo sa pamamagitan ng landslide victory.
Kaugnay pa nito, iniulat rin ni party chairman Ernest Ramel na wala pang isang buwan ang campaign period, ang numero ni Moreno ay patuloy sa pagtaas.
Mula sa 16.29% noong Enero 3, sinabi nito na tumaas si Moreno 16.75% nitong Enero 18 at tumaas pa sa 22.17% nitong pinakahuling survey kung saan nakuha niya ang second place sa maikling panahon.
“While we are not questioning the survey results of Pulse Asia, we would like to invite the attention of the public to the fact that the field work for the latest “Pulso ng Bayan” survey was conducted from January 19 to 24,” sabi ni Ramel.
"The Jessica Soho interview of Mayor Isko Moreno happened in the evening of Jan. 22, a Saturday. We can say that there was not enough traction as yet when Pulse Asia did its field work. What was clearly left out of the survey field work was the interview with Boy Abunda on January 27 and the KBP Forum on February 4," dagdag pa nito.
Base naman sa survey ng survey firm na Tangere, sinabi ni Ramel na ang numero ni Moreno ay patuloy na tumataas at dahil dito ay umangat siya sa ikalawang puwesto, mula sa pangatlo.
“Our internal surveys showed that Mayor Isko was a clear winner in the January 22 and 27 interviews and the February 4 KBP forum. Also quite revealing is that the results of Team Isko’s internal surveys are reflective of the independent Tangere’s findings in its non-commissioned online survey,” pagbibigay diin ni Ramel.
Si Moreno rin aniya ay pinili ng mga survey participants bilang best performing candidate sa parehong The Jessica Soho Presidential Interviews, na may 65% ng mga nanood at special presentation ng top local network, GMA at KBP Presidential Forum, na ipinalabas ng live noong Pebrero 4, sa mahigit na 300 member networks ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) kung saan nakakuha si Moreno ng 54 sa lahat ng mga nanood at survey participants.
Mary Ann Santiago