Kinumpirma ni Presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong araw na dadalo siya sa presidential debate na inisponsoran ng SMNI media.

Gaganapin ang naturang debate sa Okada Hotel and Resorts sa ParañaqueCity dakong alas-siyete ng gabi.

“I made a commitment to join the SMNI event and, in fact, I've signed the agreement for my attendance,” ani standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas.

Sinabi ni Marcos na puno ang kanyang iskedyul simula noong nag-umpisa ang 90-araw ng political campaign para sa national position noong Pebrero 8 ngunit ang pahinga sa pagitan ng mga kaganapan ang nagbigay-daan sa kanya ng pumunta sa Metro Manila upang tuparin ang kanyang pangako sa SMNI event.

Ilang araw bago ang SMNI-sponsored presidential debate, nakitang nagsagawa ng caravan at mga rally si Marcos at ang kanyang team sa mga bayan ng Cavite, at sa lungsod ng Makati at Mandaluyong.

Kahapon, nagsagawa ng pagtitipon ang BBM-Sara UniTeam kasama ang libu-libong mga tagasuporta nito sa Hilagang Luzon sa umaga at nagsagawa ng isa pang rally sa sa Amoranto Sports Complex sa Quezon City noong Hapon.

Ipinaliwanag naman ni Marcos ang kanyang patakaran sa pagdalo sa anumang presidential forum at debate, "kapag nag-oo ako na sasali ay tutuparin ko kahit sino ang nag-imbita at kahit gaano man ka-hostile and inaasahan kong mga tanong.”

“But I commit and say yes only if my schedules will permit,” dagdag pa niya.

Sa mga naunang ulat tungkol sa mga iba pang participants na hindi dadalo sa SMNI presidential debate, sinabi ni Marcos na respetuhin ang kanilang mga desisyon.

 “Maybe each of them has good reason to skip the event. I respect their decisions as I felt they have respected mine when I failed to attend similar forum in the past,” ani Marcos na hindi dumalo sa Jessica Soho Interviews at KBP-sponsored presidential forum, ngunit dumalo sa Boy Abunda interviews, DZBB, DZRH, TV 5 at Korina Sanchez presidential interviews.