Trending topic sa Twitter simula kahapon ang #LeniDuwag matapos makumpirma na hindi dadalo si Vice President Leni Robredo sa SMNI Presidential Debate na gaganapin ngayong araw, Pebrero 15. 

Kinumpirma kahapon ni lawyer Barry Gutierrez, spokesperson ng OVP, na hindi makakadalo sa SMNI debates bukas si Vice President Leni Robredo dahil naka-iskedyul itong pumunta sa Panay Island.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/14/vp-leni-hindi-dadalo-sa-smni-debates-dahil-sa-schedule/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/02/14/vp-leni-hindi-dadalo-sa-smni-debates-dahil-sa-schedule/

Matatandaan na dinaluhan ni Vice President Leni Robredo ang ilan sa mga umano'y bigating presidential interviews katulad ng the Jessica Soho Interview, KBP-sponsored presidential forum, Boy Abunda Interview, "Ikaw na ba" ng DZBB, DZRH-Manila Times Interview, at "Upuan ng Katotohanan" ni Korina Sanchez. 

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

As of writing, umabot na sa 21.4K tweets ang #LeniDuwag. 

Samantala, 9 sa 10 presidential aspirants ang inaasahang dadalo sa presidential debate na pangungunahan ng CNN Philippines sa Pebrero 27. 

Ito'y sina Ernesto Abella, Leody de Guzman, Isko Moreno, Norberto Gonzales, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Manny Pacquiao, at Leni Robredo. 

Hindi dadalo si dating Senador Bongbong Marcos dahil sa campaign commitments ng UniTeam.