ILOILO CITY — Bumalik na sa pangangampanya sa Capiz ang Bise Presidente at kandidato sa pagkapangulo na si Leni Robredo, isa sa apat na pangunahing lalawigan ng Panay Island na itinuring niyang kanyang kuta.

“Leni! Leni! Leni! Leni! Leni! Leni! Leni! Leni!” maririnig na chant ng libu-libo sa loob ng Villareal Stadium sa Roxas City, ang kabisera ng probinsiya.

Tinapos ni Robredo ang kanyang mahigit 20 minutong talumpati sa paghahahambing ng kanyang campaign sortie noong 2016 bilang running-mate ni dating senador Mar Roxas. Ang Capiz ay ang home province ni Roxas, ang apo ni dating Pangulong Manuel Roxas.

“Noong 2016, ilang beses din kaming bumabalik-balik dito. Marami rin tao pero magkaiba yung energy ngayon,” ani Robredo sa crowd na puno ng kalalakihan at kababaihan suot ang kulay pink na damit.

Nabigla rin ang vice president sa masiglang pagtanggap ng mga taga-Capiz sa kanya at kanyang running-mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan, at ilan stiket ng kanyang senatorial slate.

Ang Leni-Kiko bid ay sinusuportahan ng mga pangunahing lokal na opisyal, kabilang sina Mayor Ronnie Dadivas ng Roxas City at Capiz 1st District Cong. Emmanuel “Tawi” Billones.

Ang Capiz ang first-stop para sa Leni-Kiko campaign sortie sa Panay Island ngayong linggo.

Bukod sa motorcade, ang tandem ay naglaan din ng courtesy visit kay Monsignor Cyril Villareal ng Capiz Archdiocese.

Binisita din nila ang Camp Peralta, headquarters ng 3rd Infantry Division (3ID) ng Philippine Army sa bayan ng Jamindan.

Susunod na pupunta sa probinsya ng Aklan ang Team Leni-Kiko.

Tara Yap