Sa pamamagitan ng inisyatiba at pagsisikap nina House Speaker Lord Allan Velasco, Secretary General Mark Llandro Mendoza at Medical and Dental Service (MDS) Director Dr. Luis Jose Bautista, daan-daang kawani ng Kamara ang tumanggap ng libreng pneumonia vaccines sa Batasan Complex kahapon, Pebrero 14.
Bukod dito, binigyan din ng free pneumonia vaccines ang mga interesadong indibidwal sa pamamagitan ng drive-thru service.
Ang 500 vaccines ay ipinagkaloob sa "first come, first served basis".
Samantala, tiniyak ni Bautista na patuloy na magtatrabaho at makikipagtulungan ang MDS sa Department of Health (DOH) upang makakuha pa ng mas maraming pneumonia vaccines para sa susunod na bakunahan sa Abril 2022.
“We have to do it again. As long as we have the supply, we will do it for free,” ayon kay Bautista. Plano ng Kamara na magkaloob ng libreng pneumonia vaccines sa 800 kawani ng Kapulungan bawat araw.
“MDS will always have the initiative to help the entire House, including their families. I hope you will utilize these programs for the benefit of yourself and your family. We won't give you anything that will be bad for you,” sabi ni Bautista.
Nagtungo sai Secretary General Mendoza sa lugar ng bakunahan upang tingnan ang MDS personnel at ang implementasyon ng drive-thru inoculation.
Pumunta rin si Sergeant-at-Arms retired Police Brigadier General Rodelio Jocson sa lugar upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng ginagawang free pneumonia vaccinations.
Bert de Guzman