Isang mambabatas ang nangako na tutulong sa pagpapaunlad ng business industry sa pamamagitan ng pagpapalusog at development ng micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Inihayag ni House deputy speaker at 1-Pacman Party-list Rep. Michael Romero, na 99.51% ng mga business establishment sa bansa ngayon ay binubuo ng MSMEs.
Ayon sa kanya, ang pagpapalakas at pagpapalusog sa MSMEs ay lilikha ng magandang epekto sa business community at makatutulong sa maraming tao at ng kanilang pamilya.
Isinusulong ni Romero na isang negosyante bago pumalaot sa pulitika, ang kagalingan ng MSMEs sa pamamagitan ng pagkuha at pagkakaloob ng mga karapatan para sa MSMEs at mga empleado nito sa pamamagitan ng paghahain ng House Bill No. 9178 o ng “Magna Carta for MSMEs.”
Batay sa panukala, ang pambansang gobyerno at mga kagawaran nito, tanggapan at ahensiya ay binibigyan ng mandato na maglaan ng kahit 10 porsiyento ng "procurement opportunities for goods and services to eligible MSMEs."
Bert de Guzman