Sa gitna ng patuloy na kampanya para sa 2022 national and local elections, hinimok ng health reform advocate at dating National Task Force (NTF) against coronavirus disease (COVID-19) special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon ang mga Pilipino na pumili ng lider na maipagmamalaki ng bansa.

“We can’t choose a candidate with our eyes closed,” ani Leachon sa isang Tweet nitong Martes, Pebrero 15.

Ayon kay Leachon, ang mga perpektong katangian para sa "isang tamang pinuno" ay kinabibilangan ng katapatan, kakayahan, nagbibigay-inspirasyong pamumuno, pananaw, at moral na tapang.

“Pick a leader who will make the Filipino citizens proud. A Filipino leader who will stir the hearts of the people so that the sons and daughters of a given nation strive to emulate their leader’s greatness,” giit ni Leachon.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Charlie Mae F. Abarca