Nakapagtala ng pitong bagong kaso ng COVID-19 ang Philippine National Police (PNP) ngayong Martes, Pebrero 15, na siya namang pinakamababa para sa taong ito.
Batay sa pinakahuling COVID-19 tracker, ito ang pinakamababang bilang ng mga pang-araw-araw na kaso sa loob ng mahigit isang buwan mula nang magkaroon ng peak na 548 bagong impeksyon noong Enero 14.
Bumaba din ang mga aktibong impeksyon sa 202 mula sa 258 na aktibong kaso noong Lunes.
Samantala, 63 naman ang mga gumaling. Tumaas ang bilang ng naka-recover na PNP personnel sa 48,415 mula sa kabuuang 48,745 na kumpirmadong impeksyon.
Nananatili sa 128 ang bilang ng mga nasawi.
Nasa 97.62% naman o 219,527 sa 224,875 ang fully vaccinated na PNP personnel.
Nasa 2.03 percent o 4,556 ang naghihintay ng second shot habang nasa 0.35 percent o 792 ang hindi nabakunahan.
Ang mga nakakuha na ng booster dose ay nasa 48.56% o 106,603.