Mahigit 9 milyong menor de edad na may edad 12 hanggang 17 taong gulang ang nakakumpleto na ng kanilang dalawang doses ng COVID-19 vaccine, habang 91,000 na may edad 5 hanggang 11 ang naturukan ng initial shots simula noong Lunes, Pebrero 14

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief Secretary Carlito Galvez Jr., walang naiulat na 'adverse events' kasunod ng pagbabakuna sa bansa,

Sinabi ni Galvez sa isang vaccination activity para sa lima hanggang 11 edad na naganap sa Theater sa Solaire sa Parañaque City, "Wala po kayong dapat ikabahala."

Ang pagbabakuna sa pinakabatang age bracket ay nagsimula noong Pebrero 7 gamit ang lower-dosed Pfizer vaccine.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang pagbabakuna sa mga bata ay magbibigay-daan sa kanila na lumabas at dumalo sa mga pisikal na klase at ibalik ang pagpapaunlad ng mga kasanayan sa lipunan at pag-andar ng pag-iisip na apektado ng pandemya.

“Ako po ay nananawagan sa lahat ng mga magulang sa buong Pilipinas na sige na po, samantalahin na po natin ang pagkakataong ito. Libre, ligtas, epektibo, dekalidad, ang lahat po ng ating mga bakuna,” panawagan ni Duque.

Sinabi ni Duque na wala ni isa sa tinatayang 8.7 milyong ganap na nabakunahang mga bata sa ibang bansa ang nag-ulat ng malubhang epekto.

Dagdag pa niya, sa Pilipinas, wala pang isang porsiyento ng mga nabakunahang bata ang nakaranas ng banayad na lagnat, pananakit ng ulo, pangangati, at pananakit sa na-inject na braso.

Sa ngayon, 482 hospital at non-hospital sites para sa pediatric vaccination ang gumagana sa buong bansa, 82 dito ay nasa Metro Manila.

“Hindi po kumpleto ang proteksyon ng pamilya kung si bunso ay hindi bakunado. Ngayon, pwede na tayong mag-staycation at bumisita sa ibang areas dahil bakunado na sina lolo, lola, tatay at nanay, kuya at ate, at si bunso,” paalala naman ni Galvez.