Nagsampa ng kasong libel laban sa YouTube channel na Maharlika si vice-presidential candidate Sen. Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes, Peb. 14, dahil sa pagpapakalat ng mali at malisyosong content na layong dungisan ang imahe niya at ng kanyang pamilya.

Sinabi ng senador na balak din ng kanyang asawa na si superstar Sharon Cuneta-Pangilinan, at anak na si Frankie, na magsampa ng kaso laban kay Maharlika dahil sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Dapat ding ipaliwanag ng tech giant Google, na nagmamay-ari ng YouTube, kung paano hindi lumalabag ang mga video na ito sa mga pamantayan ng komunidad nito matapos ang paulit-ulit na hiling ng senador sa kumpanya na tanggalin ang "libelous video content," dagdag ni Pangilinan.

“We also urge corporations placing ads on these and similar YouTube channels to stop enabling these sites that peddle lies and disinformation,” ani Pangilanan nang ihain ang reklama sa Department of Justice (DOJ).

National

Dahil sa bagyong Nika: Catanduanes, itinaas sa Signal #1

Nakasaad din sa reklamao “the contents of the videos are all false, have no factual basis and are intended to destroy or damage my reputation as a senator, public servant, and a husband to one of the most beloved celebrities in the Philippines, Sharon Cuneta-Pangilinan.”

“More importantly, the libelous videos are meant to destroy the family. The libelous videos are not only intended to damage my relationship with my wife but also meant to destroy my relationship with our children,” sabi ng senador.

Idinagdag niya na ang mga tao sa likod ng channel ay "kumilos nang walang ingat sa pagwawalang-bahala sa katotohanan o kamalian ng mga pahayag sa video."

Nagsimulang mag-post ang Maharlika YouTube channel ng serye ng mga video na umaatake kay Pangilinan noong Mayo 21, 2021. Nag-post din ito ng mga video tungkol sa kanyang asawang si Sharon.

Kasunod ito ng dalawang magkahiwalay na reklamo sa cyber libel na inihain ni Pangilinan noong Hulyo 2021 laban sa mga channel sa YouTube na “Latest Chika” at “Starlet” para sa mga katulad na maling video, na tinanggal na ng video-sharing platform na YouTube.

Sa mga video, sinabi ng “Latest Chika” at “Starlet” na inaabuso ni Pangilinan ang kanyang asawang si Sharon, at niloloko pa ng senador si Megastar.

Noong Enero 12 ngayong taon, mahigit 80 fact-checking organizations sa buong mundo ang nagpaalala sa YouTube matapos bigo nitong matugunan ang online disinformation at maling impormasyon.

Nanawagan ang mga organisasyon sa CEO ng YouTube na si Susan Wojcicki na wakasan ang pagkalat ng disinformation gamit ang YouTube bilang platform.

Sinabi ng isang pahayag mula sa kampo ni Pangilinan na kabilang sa maraming pulitiko na gumamit ng YouTube para sa “political disinformation at misinformation” ay ang pamilya ng yumaong diktador, si Ferdinand Marcos, na binaluktot ang “historical facts about their ill-gotten wealth.”

Raymund Antonio