Ipinagpaliban muna ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagpapaaresto kay Rose Nono Lin, isa sa mga sangkot sa Pharmally scandal at kumakandidato sa pagka-kongresista sa Quezon City, nang hilingin ng kampo nito na bigyan sila ng 10 araw na palugit matapos ma-confine umano ito sa isang ospital dahil sa isang medical procedure.

Ayon kay Committee chairman Richard Gordon, pinagbigyan nila ito"for humanitarian reason." Gayunman, agad naman itong aarestuhin mataposang sampung araw at itutuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado.

Si Lin ay corporate treasurer at incorporator ng Pharmally Biologicals Incorporated na umano'y sister company ngPharmally Pharmaceutical Corporation na nakakuha ng P10 bilyong halaga ng pandemic contracts.

Matatandaang naging kontrobersyal si Lin matapos dumalo sa mga pagdinig ng Senado kung saan inamin na nagising na lamang siya na may mamahaling sasakyan sa kanyang garahe.

Naiulat na malapit ding kaibigan ni Lin si Michael Yang, dating economicadviser ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leonel Abasola