Umapela si AksyonDemokratiko presidential bet at Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng mga Pinoy na palaganapin ang pagmamahal, simula sa sarili, pamilya, kapwa tao at sa bayan.

Ang apela ay ginawa ng alkalde kasabay nang pagdiriwang ng Valentine’s Day nitong Lunes.

Ayon kay Moreno, ang pagpapalaganap ng pagmamahal ay hindi lamang dapat tuwing Valentine’s Day at hindi rin dapat lang sa kanya-kanyang romantic partners.

Binigyang-diin ni Moreno na ang pagmamahal ay dapat na manatili, maging Araw ng mga Puso man o hindi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit pa ng alkalde na maipapakita ng mga Filipino ang kanilang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan nang pagboto sa araw ng halalan sa pamamagitan ng pagpili ng magiging lider ng bansa sa loob ng anim na taon.

Kasabay nito, inialok rin niya ang kanyang sarili bilang pinakamahusay na alternatibo na maging susunod na pangulo at binigyan-diin na ang pagtakbo ay hindi lamang base sa mga pangako kundi base sa mga bagay na naisagawa na tulad ng ginawa niya sa Maynila. At ito ang nais niyang maranasan ng buong bansa.

Matatandaang ilan sa mga bagay na naisagawa na ni Moreno ay ang mga probisyon tulad ng mga libreng serbisyo sa pagtugon sa COVID-19, gaya ng libreng life-saving medicines, swab tests at hospital care; massive housing programs; libreng gadgets at internet; food security program para 700,000 pamilya at pagpapaunlad ng mga eskwelahan at ospital.

“Let us spread the love…pagmamahal sa pangkalahatan.Pagmamahal sa mahirap, pagmamahal sa middle class, pagmamahal sa mayaman, pagmamahal sa pamilya, pagmamahal sa kapwa, pagmamahal sa siyudad, pagmamahal sa bansa,” mensahe pa ng alkalde sa mga Pinoy.

“Sana, ‘yan ang maging tema ng Valentine’s Day at kung sakali naman, iniwan ka ng dyowa mo, ang payo ko sa ‘yo,move on,” aniya pa.

Ayon kay Moreno, ang espesyal na araw ay hindi dapat para lamang sa mga romantic partner, bagamat nakakatulong ito paramay magsilbing inspirasyon

“I want you to feel good about yourselves. Always it is his or her or loss not yours. You are an important person..an important human being.. an important part of society. Always value yourself,” aniya pa.

“All you have to do is look at the mirror and say, ‘maganda ako.. pinag--aagawan ako may asim ako’ and feel good about yourselves.If you have that kind of mindset, you will be happier,” aniya pa.

“True, you need someone to inspire you, maybe a partner, but if that somebody left you, there’s more in front of you. Sabi nga ng anak ko, there are so many fishes in the ocean.. mamingwit ka,” sabi pa ni Moreno.

Mary Ann Santiago