Tinanggihan ni Presidential aspirant at Senador Manny Pacquiao ang presidential debate ng SMNI media network na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

"As much as I would like to participate tin every debate and public forum related to my bid for the presidency, I am compelled to decline the invitation of SMNI, which is owned by Apollo Quibuloy, who, according to the US government, has molested and abused children," ani Pacquiao.

"I cannot, in good conscience, be part of any activity organized by a man wanted for detestable crimes and who unconscionably used the name of the Lord in vain for religious scams," dagdag pa niya.

"Maliban dito ay may nakabinbin po kaming cyber-libel case kay Quibuloy kaya mas mabuting tanggihan ang imbistasyon ng SMNI para hindi mabigyan ito ng anumang kahulugan na maaaring makaapekto sa aming kaso," saad pa niya.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Isasagawa sa Martes, Pebrero 15, ang presidential debate na pangungunahan ng SMNI media.

Matatandaang noong Nobyembre 2021,sinampahan ng sex trafficking case ang founder ngKingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy kaugnay ng umano’y pamimilit sa mga dalaga at iba pang babaeng “tagapagsilbi” nito na makipagtalik sa kanya bilang bahagi ng kanilang “walang hangganang pagsumpa.”

Sa rekord ng kaso, bukod sa paghahanda ng makakain, paglilinis ng bahay at pagmamasahe, inoobliga rin ni Quiboloy ang mga “pastorals” na makipagtalik sa kanya o ang tinatawag na “night duty.”

Basahin:https://balita.net.ph/2021/11/19/quiboloy-kinasuhan-ng-sex-trafficking-sa-u-s/

Samantala, nitong unang linggo ng Pebrero,‘Most wanted’ ng Federal Bureau of Investigation o FBI ang tinaguriang ‘Appointed Son of God’ na si Pastor Apollo Quiboloy. spiritual leader ng ‘Kingdom of Jesus Christ (KOJC), The Name Above Every Name ‘ dahil umano sa mga patong-patong na kaso.

Makikita ang larawan at profile ni Quiboloy sa mismong FBI website, at nakasaad dito na ‘most wanted’ o pinaghahanap na siya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/02/05/most-wanted-poster-ni-quiboloy-nakabalandra-sa-fbi-website/