Inimbitahan ng Department of Agriculture (DA) ang mga negosyante mula sa United Arab Emirates (UAE) na tumaya sa mga crop at fishery sector ng bansa bilang bahagi ng pag-promote ng likas na yaman, hilaw na materyales at manggagawa ng bansa.

“The pandemic has allowed us the time for new beginnings, exploration, and discoveries. We sought to make our backyard a thriving hub of agri-industrialization supporting the production of farmers and directly marketing for both local and international markets,” ani DA Sec. William Dar sa isang pahayag nitong Lunes, Pebrero 14.

Noong nakaraang Peb. 11, ipinakita ni Dar ang iba't ibang lugar para sa pamumuhunan sa bansa sa mga kumpanyang nakabase sa UAE at iba pang mga bansa sa Gulf Cooperation Council (GCC).

Kabilang sa listahan ng investment opportunites, binanggit ni Dar ang niyog, na sumasaklaw sa teknolohiya at sistema ng pagpoproseso ng tubig ng niyog, mga sentro ng puting kopra, mga sentro ng pagbili ng kopra, at humigit-kumulang 3.65 milyong ektarya ng mga bukirin.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Binanggit din niya ang Philippine “Carabao” mangoes. Sinabi ni Dar na ang sektor ay maaaring makagawa ng 740,000 toneladang prutas kada taon na nagkakahalaga ng $640 milyon (mahigit P32.8 bilyon) at nakakuha ng sariling distinction sa buong mundo para sa pagiging pinakamatamis at pinakamalasa nito.

Isinulong din niya ang pinya ng Pilipinas, na may $307 milyon (mahigit P15 bilyon) na halaga ng mga eksport, at ang sektor ng saging ng bansa na siyang pangalawang pinakamalaking nagluluwas ng saging na Cavendish sa buong mundo.

Para sa sektor ng pangisdaan, sinabi ng hepe ng DA na ang industriya ay may mga business venture sa katubigan ng bansa na sagana sa suplay ng isda at aquaculture.

“The moment has come to harness vast energies and abundance of the Philippine Islands for the creation of a new business experience, an experience richer and deeper and more truly a reflection of the goodness and grace of the Filipino spirit,” sabi ni Dar.

Faith Argosino