Isa sa mga nagbigay ng reaksyon sa latest video ng VinCentiments na 'Pagod Len-len' ang tinaguriang 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza, na kaibigan din ng mismong direktor nito na si Darryl Yap.
Ayon sa Facebook post ni Xian nitong Pebrero 12, 2022, kaya raw niyang kumita nang malaki kahit wala siyang gawin sa loob ng 18 oras sa isang araw, o 18 sunod-sunod na araw, o kahit 18 linggo subalit hindi raw niya i-invalidate ang mga nagtatrabahong manggagawa, higit sa 18 oras kada araw.
"Kahit matulog ako 18 hours a day… kahit tumambay ako for 18 consecutive days… kahit magbakasyon ako for 18 weeks… kikita pa rin ako ng milyones pero never kong i-invalidate yung mga taong nagtatrabaho ng higit disiotso oras kada araw para lamang i-prove yung point ko sa pulitika. Hindi tama. Very wrong," aniya.
Kahit daw kaibigan niya si Direk Darryl ay hindi niya palalampasin ang mali. Ngunit, hindi raw ibig sabihin nito na tatapusin na niya ang pakikipagkaibigan sa direktor.
"'Eh Xian, 'di ba tropa mo si Darryl Yap?'"
"Kahit kaibigan o kakilala pa kita, ang mali ay mali. Pero hinding-hindi ko tatapusin ang ating pagkakaibigan nang dahil lamang sa isang opinyon na hindi ako sang-ayon."
"Ang tunay na tropa ay iko-correct ka sa mga panahong nawawala ka sa tamang hulog."
Sa comment section ng kaniyang FB post ay nagpatuloy pa si Xian.
"Masyado lang nadala sa init at hype ng pulitika. Sa kagustuhang banatan ang kalaban, nasagasaan pati ang mga ordinaryong mamamayan."
"If you want to sway public opinion in favor of you, first and foremost, huwag na huwag mong aatakihin yung public mass base dahil mapapawalang-saysay yung punto mo kahit gaano pa kaganda ito.
"If you want to sway public opinion in favor of you, first and foremost, huwag na huwag mong aatakihin yung public mass base dahil mapapawalang-saysay yung punto mo kahit gaano pa kaganda ito."
"The very purpose of political campaign on social media is to persuade your followers na iboto yung manok mo. Paano mo sila dadalhin sa panig niyo kung aapakan mo ang kanilang pagkatao?"
"If you want to be very persuasive, kailangan mong maging sensitive sa target market mo. Hindi pwede yung sige hala wala akong pake sa sasabihin ng iba. Sayang lang."
Agad namang sumagot si Direk Darryl sa comment section. Ipinaliwanag niya na ang pahayag na ang mga taong nagtatrabaho ng 18 oras sa isang araw ay maituturing na sinungaling o mangmang, ay nagmula sa isang study.
"Hi Christian Albert Gaza, gaya ng nasa video caption (Pagod Len-len), I did not say that. It was a study, the link is in the caption. That’s the source of the remark," paliwanag ng direktor kalakip ang screengrab ng latest video ng VinCentiments.
Pabirong tumugon naman dito si Xian, "Anong kaguluhan 'to mga kaibigan at kaka-landing lang ng eroplano ko."
Samanta, hiningi ng Balita Online ang panig ni Direk Darryl hinggil sa isyung ito. Sa eksklusibong panayam, sinabi ng direktor na ito raw 'disaassociation' at shielding' sa mga natamaan ng ginawa niyang satiriko.
"It's a clear move of disassociation and shielding sa part ng mga natamaan ng satire; these people always ask for sources, tapos noong naglapag, mas minabuti nilang, mantrigger at mandamay ng iba— its a developing story, I control the characters coz I am the writer."
Bilang sumulat at nagdirehe nito, hindi raw niya intensyon na maliitin ang mga masisipag na manggagawang Pilipino.
"There was no intention to belittle hardworking Filipinos, only those who normalize and romanticize this kind of working condition."
Kaya aniya, piliin daw ang magiging lider na kayang gawing mas maganda ang sistema ng labor force sa bansa.
"Let us stand with a leader who will make a better labor force, unlike others who chose weakness and give-in to such dangerous working strategy," saad ng direktor sa panayam ng Balita Online.