Nagpaalala nang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) nitong Linggo, Pebrero 14 na i-shade ang oval bago ang pangalan ng kandidato at hindi pagkatapos ng pangalan ng kandidato kapag sila ay bumoto sa May 9, 2022.

Naglabas ng paalala si Comelec Spokesperson James Jimenez na kontrahin ang pekeng impormasyon na kumakalat na ang oval ay tatalaan pagkatapos ng pangalan ng kandidato.

“When we vote we should shade(the oval) before the name. Example, your candidate is Juan Dela Cruz. There is an oval before Juan Dela Cruz. You should shade the oval before the name and not after because the one at the end is for another candidate,” ani Jimenez.

“We are happy that when we released that information, we had netizens who themselves voluntarily made their materials to hit that kind of disinformation,” dagdag pa niya.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Noong nakaraang buwan, nag-isyu ang Comelec ng step-by-step guide kung paano bumoto sa May 2022 polls.

Samantala, mayroon mahigit 65 milyon ang registered voters para sa darating na halalan.