Ikinagalak ni vice presidential aspirant Senador Kiko Pangilinan ang natanggap na mainit na suporta sa kanyang pagbabalik sa kanyang hometown sa Quezon City nitong Linggo, Pebrero 13.

Tinugunan ni Pangilinan ang mga tagasuporta sa panatang tintindig sila piling ng mga masisipag na Pilipino kung siya at ang presidential aspirant na Bise Presidente Leni Robredo ay manalo sa darating na botohan.

Sa kanyang talumpati, sinabi nitong panahon na upang wakasan ang trahedya ng mga Pilipino sa ilalim ng mga administrasyon na iniiwan ang mga nasa laylayan ng lipunan para ipagtanggol ang sarili.

“Uunahin natin ang mga nasa laylayan dahil habang sila’y naiiwan, hindi tayo magiging matibay na bansa,” sabi ni Pangilinan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Inalala ng senador noong siya’y bata pa, aksidente siyang naiwan ng kanyang mga magulang pagkatapos ng misa sa Sto. Domingo Church sa Quezon City. Matapos nilang malaman na siya ay nawawala, sinabi ni Pangilinan na bumalik ang kanyang mga magulang sa simbahan at nakita siyang naglalaro dito.

“Minsan nagtatanong ako kung ano kaya ang nangyari sa akin kung hindi na ako binalikan. Marami sa ating mga kababayan ngayon na hindi binabalikan, nakakalimutan na, hindi ito tama,” aniya.

“Sila ang kailangan tulungan ng administrasyon, sila ang kinakailangang balikan at kupkupin,” dagdag niya.

Sa kanyang campaign tagline na “Hello, pagkain. Goodbye, gutom,” sabi ni Pangilinan na ang mga magsasaka sa bansa ay kabilang sa mga sektor na napabayaan kaya’t nangangailangan ito ng suporta mula sa gobyerno.

Isang magsasaka mismo sa loob ng 10 taon na, aniya, naranasan na niya ang hirap na pinagdadaanan ng mga magsasaka sa paggawa ng pagkain para sa bawat Pilipino at sa paglaban sa mga kalamidad at kawalan ng tulong mula sa gobyerno.

Sa pagbanggit sa kaso ni Ka Meg, isang 67-anyos na magsasaka na nakilala niya sa kanyang paglalakbay sa kampanya sa Biyahe ni Kiko, sinabi niyang hindi katanggap-tanggap na sa maraming dekada ng pagbubungkal ng lupa upang magdala ng pagkain sa bawat mesa, nananatili siyang mahirap at napapabayaan.

Sinabi ni Pangilinan na hindi nila iiwan ni Robredo ang kanilang mga pangako sa kampanya bilang mga pangako lamang ngunit magsisikap silang maghatid ng mas magandang buhay sa mga Pilipino.

“Kasama ang lider na matino at mahusay, ipanalo natin ito,” sabi ni Pangilinan.

“Hindi ‘sana all’ pero ‘dapat all’ may masustansyang pagkain, may edukasyon, may hanapbuhay, may hustisya, may maayos na serbisyo, may oportunidad na umunlad sa buhay,” dagdah ni Pangilinan.

Nagtipon-tipon sa loob at labas ng Quezon City Memorial Circle ang mga tagasuporta na naka-pink at nagwawagayway ng watawat para ipakita ang puwersa at suporta sa tandem nina Robredo at Pangilinan.

Argyll Cyrus Geducos