Sisimulan na ng Navotas City ang pagbabakuna ng COVID-19 booster shots sa mga nakaratay na residente sa Lunes, Peb. 14.

“We want Navoteños, especially those sick and vulnerable, to remain protected against COVID-19. If they can’t go to our vaccination sites, then we will bring the vaccines to them,” ani Mayor Toby Tiangco.

Ang mobile vaccination team ay magtutungo sa 18 barangay para bakunahan ang mga nakaratay at PWD na residente na hindi pisikal na makapunta sa mga vaccination site,” ani Tiangco.

Ang Astra Zeneca vaccine ang ibibigay bilang booster shot sa mga residente.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Ang mga indibidwal na gustong mag-avail ng mobile vaccination ay maaaring magparehistro sa kani-kanilang barangay o magmessage sa Navoteno Ako facebook pager o TXT JRT: 0915-2601385 (Globe), 0908-8868578 (Smart) at, 0922-8888578 (Sun).

Allysa Nieverra