Nananatili pa ring high risk sa COVID-19 ang Iloilo City hanggang nitong Sabado, Pebrero 12.
Ito ang iniulat ng OCTA Research Group nitong Linggo, sa kabila ng patuloy na pagbagal nang pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa Visayas region.
Batay sa datos na inilabas ng OCTA hinggil sa risk levels para sa highly urbanized cities (HUCs) sa Visayas hanggang Pebrero 12, na ibinahagi ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang mga lalawigan naman ng Bacolod, Cebu City, Lapu Lapu, Mandaue, Ormoc at Tacloban ay nasa moderate risk naman na sa COVID-19.
“As new Covid cases continue to trend downward in Visayas, Iloilo City remained at high risk while Bacolod, Cebu City, Lapu-lapu, Mandaue, Ormoc and Tacloban were at moderate risk (as of February 12). Strict compliance with safety protocols advised,” anang grupo.
Iniulat pa ng OCTA na ang Iloilo City ay mayroon pang 64% na healthcare utilization rate (HCUR) na nasa moderate risk.
Nakapagtala naman ito nang pagbaba sa growth rate na nasa -55% na lamang, habang ang average daily attack rate (ADAR) ng lungsod o7-day average number ng mga bagong kaso ng sakit kada 100,000 katao, ay nasa high risk pa rin sa 22.11, habang very low naman ang reproduction number nito na nasa 0.53.
Ang positivity rate ng lungsod ay very high pa rin sa 25%.
Ang HCUR ay yaong occupancy ng isolation, ward, at intensive care unit beds, maging ang paggamit ng mechanical ventilators, habang ang reproduction rate naman ay tumutukoy sa mga taong maaaring maihawa ng sakit ng isang pasyente.Ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon ng pagbagal ng sakit.
Ang positivity rate naman ay tumutukoy sa porsiyento ng mga taong natuklasang positibo sa COVID-19, mula sa kabuuang bilang ng mga taong naisailalim sa pagsusuri.
Samantala, iniulat rin ng OCTA na ang Bacolod City naman ay may HCUR na 37% na nasa low risk, growth rate na -60%, moderate na ADAR na nasa 7.67, very low na reproduction number na nasa .48, at high risk na positivity rate na nasa 15%.
Ang Cebu City naman ay nasa 36% ang HCUR na low risk lamang, -46% ang growth rate, high ang ADAR sa 12.05, very low ang reproduction number sa 0.49, at high ang positivity rate sa 17%.
Ang HCUR naman sa Lapu Lapu City ay nasa 38% na low risk lamang, -48% ang growth rate, high ang ADAR sa 11.17, very low ang reproduction number sa 0.46, at moderate ang positivity rate sa 9%.
Ang Mandaue naman ay nasa 42% ang HCUR na low lamang, -56% ang growth rate, moderate ang ADAR sa 7.24, very low ang reproduction number sa 0.40, at high ang positivity rate sa 17%.
Nakapagtala naman ang Ormoc ng nasa 35% na HCUR na nasa low risk, -35% ang growth rate, moderate ang ADAR sa 3.70, very low ang reproduction number sa 0.58, at very high ang positivity rate sa 49%.
Ang Tacloban naman ay may 53% na HCUR na nasa moderate risk, may -52% na growth rate, moderate na ADAR sa 4.76, very low na reproduction number sa 0.36, at high na positivity rate sa 15%.
Ayon sa OCTA, ang indicators na ginamit nila ay ang Covidactnow.org at ang datos ay nakuha nila mula sa datos ngdoh.gov.ph.
Mary Ann Santiago