Sinabi ng isang pari ng Simbahang Katolika na ang mga miyembro ng El Shaddai ay malayang pumili ng kanilang mga kandidato sa botohan sa Mayo.

Sinabi ni retired Novaliches Bishop Teodoro Bacani, ang spiritual adviser ng grupo, na ang mga miyembro ay hindi “obligado na sundin ang opinyon ng pinuno ng El Shaddai na si Bro. Mike Velarde."

“I do not know exactly if he endorsed these candidates. If he did that is his right but he cannot impose his choice on the El Shaddai prayer partners,” ani Bacani sa isang panayam nitong Sabado, Pebrero 13.

Sinabi ng Lakas-CMD, noong Sabado, na inendorso ni Velarde si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr at ang kanyang partner na vice presidential candidate na si Sara Duterte.

Nakita rin sa social media ang mga larawan ni Velarde na nagtaas ng kamay ng tandem sa isang event sa Paranaque.

Bagama't nagulat sa balita, sinabi ni Balanga Bishop Ruperto Santos na iginagalang niya ang desisyon ng una.

“It is his decision and he has his reason. I respect his decision,” aniya.

Inendorso din ng Catholic charismatic group si Marcos Jr. nang tumakbo siya bilang bise presidente noong Mayo 2016 na botohan.

Lheslie Ann Aquino