Magandang balita dahil pinailawan na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang makasaysayangQuezon Bridge sa Ermita upang patuloy na makapagsilbi ng mahusay sa mgamotorista at pedestrians.

Mismong sina Presidentialfrontrunner at Manila Mayor Isko Moreno, Mayoralty candidate at Vice Mayor Honey Lacuna kasama si Congressman at vice mayoralty candidate Yul Servo, ang nanguna sa naturang aktibidad.

Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Pinasalamatan naman ni Moreno sina city electrician Randy Sadac at city engineer Armand Andres sa pangangasiwa ng pagpapailaw na ayon sa kanya ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng pamahalaang lungsod na pailawan ang mga kalye sa Maynila.

Ayon kay Moreno na siyang standard bearer ng partidong Aksyon Demokratiko, sa pamamagitan ng maliwanag na kalye ay umaasa siya na walang masasamang elemento na magtatangkang gumawa ng krimen.

Photo courtesy: Isko Moreno Domagoso/FB

Idinagdag pa ni Moreno na ang mgamotorista at pedestrians ay mas ligtas lalo na sa gabi maging sila ay mula sa Maynila o dumadaan lamang sa Quezon Bridge, na ang opisyal na pangalan ay Manuel L. Quezon Memorial Bridge na mayroong apat na lanes para sa mga sasakyan, dalawa sa magkabilang bahagi. Ang bawat gilid ay mayroon din sidewalk para sa pedestrians.

Kabilang sa mga pangunahing lighting projects ng lungsod simula nang manungkulan si Moreno ay ang kahabaan ng Roxas Boulevard, Taft Avenue at Espana Boulevard.

Itinayo noong 1939, ang Quezon Bridge ay may kabuuang haba na447 metro at ito ay combined arch at prestressed concrete girder bridge na tumatawid saPasig River sa pagitan ng Quezon Boulevard sa Quiapo at Padre Burgos Avenue sa Ermita.

Ayon kay Andres, ang nasabing tulay ay dinisenyo bilangArt Deco style arch bridge at kinuha ang inspirasyon mula saSydney Harbour Bridge sa Australia.

Ipinangalan ang tulay sa karangalan ni Manuel Luis Quezon,Pangulo ng Pilipinas noong ginagawa ang tulay. Ang nasabing tulay ay nasira noong World War II.

Muli itong itinayo noong 1946 at simula noon ay palagian na ito kinukumpuni at sumasailalim sareinforcement at retrofits sa paglipas ng panahon dahil sa patuloy na paggamit nito at edad.

Napinsala din ang tulay noong sunog noong 2014 at ang huling major reconstruction nito ay noong 1996, dagdag pa ni Andres.

Mary Ann Santiago