Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 3,050 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) bansa.
Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamaraming kaso ng virus. Sinundan ito ng Western Visayas at Calabarzon.
Umabot na sa 3,637,280 ang kabuuang kaso sa bansa. Gayunman, 81,394 na lamang ang aktibong kaso.
Sa aktibong kaso, 4,546 ang asymptomatic, 71,994 ang mild, 3,068 ang moderate, 1,460 ang severe, at 326 ang kritikal.
Ayon sa DOH, umakyat sa 3,500,956 ang gumaling sa sakit matapos makapagtala ng 5,811 na na recoveries.
Gayunman, walang naitalang namatay dahil sa technical problem sa system ng DOH.“The zero death reported today is due to the technical issues in extracting data from COVIDKaya. This has been coordinated with the DICT (Department of Information and Communications Technology) and rest assured that they are currently addressing this issue,” anang DOH.
Analou de Vera