Nangako si Deputy Speaker at senatorial hopeful Loren Legarda na palalawakin ang mga programang pangkabuhayan ng gobyerno para mas mahusay na matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic sa mga manggagawang Pilipino.

Partikular na iminungkahi ni Legarda ang institusyonalisasyon ng Tulong Panghanapbuhay para sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung mahalal na senador sa darating na eleksyon sa Mayo 9.

“We will make sure that our government’s livelihood programs like the DOLE’s TUPAD program will become a law,” ani Legarda sa naganap na E-Rally ng Commission on Elections noong Pebrero 11.

Iminungkahi ni Legarda ang pagtutulungan ng TUPAD sa iba pang mga programa sa pagtatrabaho tulad ng community empowerment para sa agham at teknolohiya ng Department of Science and Technology, shared services facilities ng Department of Trade and Industry, at ang sustainable livelihood programs ng Department of Social Welfare and Development, upang makabuo ng isang batas sa programang pangkabuhayan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dagdag pa niya, ang pangangailangang bigyan ng kapangyarihan ang mga local government units upang mailapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao.

Aniya, “We should strengthen the LGUs and barangays so they can have active roles in social services, especially in allocating funds for employment and livelihood."

Sa parehong forum, nangako rin ang Antique congresswoman na palalakasin pa ang sektor ng edukasyon sa bansa.

Sinabi niyang isusulong niya ang wastong pagpapatupad ng libreng programa sa edukasyon sa kolehiyo, na kanyang co-authored at pinondohan noong siya ay nagsilbing chairperson ng Senate committee on finance.

“We will also strengthen the education sector by implementing the “one student, one tablet” law and further increase salaries and benefits of our teachers,” pangako ni Legarda.