Si Broadcaster "Idol" Raffy Tulfo ang nanguna sa Pulso ng Bayan pre-electoral nationwide survey ng Pulse Asia para sa senatorial aspirants sa May 2022 elections.

Sa isinagawang survey noong Enero 19 hanggang Enero 24, 2022, ipinakitang nakakuha si Tulfo ng 66.1%.

(Pulse Asia)

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sinundan ito ni Taguig Representative Alan Peter Cayetano na 58.2% at Antique Representative Loren Legarda na 58%.

Nakakuha naman ng 55.7% si dating Senador Chiz Escudero, sinundan ni dating DPWH Secretary Mark Villar na 52.9% at 50.3% naman Senador Migz Zubiri.

Ang iba pang mga senador na pasok sa Top 15 ay sina Senador Win Gatchalian (45.9%), dating Bise Presidente Jejomar Binay (44.5%), dating Senador Jinggoy Estrada (40.4%), Senador Joel Villanueva (40.4%), Senador Risa Hontiveros (37.1%), action star Robin Padilla (35.9%), at dating Senador JV Ejercito (33.9%).

Ayon sa Pulse Asia, 64 na indibidwal ang kumakandidato sa pagka-senador para sa May 2022 elections. Gayunman, 13 lang ang may chansang manalo. 

Ang nationwide survey ay mayroong 2,400 respondents na edad 18 pataas, na may ± 2% error margin sa 95% confidence level.

Samantala, nanguna si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang ka-tandem nitong si vice presidential candidate Sara Duterte Carpio sa parehong survey na isinagawa ng Pulse Asia.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/13/marcos-duterte-tandem-nanguna-sa-pulse-asia-survey/