Sa mismong Valentines Day, magsasagawa ng house to house COVID-19 vaccination para sa booster shot ang pamahalaang lokal ng Navotas, partikular na sa mga bedridden constituents.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, magtutungo sa 18 barangay  sa lungsod ang mobile vaccination team ng City Health Office (CHO), para serbisyuhan ang mga residente na hindi na makakapunta sa mga vaccination sites dala ng kanilang mga karamdaman.

“We want Navoteños, especially those sick and vulnerable, to remain protected against COVID-19.  If they can’t go to our vaccination sites, then we will bring the vaccines to them,” ani Mayor Toby.

“If you have a family member who has been vaccinated and is ready to receive their booster dose, have them registered so they can receive their jabs as soon as possible,” dagdag pa ng alkalde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpaalala rin si Mayor Tiangco na magpa-schedule para sa kanilang bakuna lalo na ang mga nasa 5-11 age group sa kani-kanilang barangay.

Sa datos ng CHO nakapagtala na sila ng 200,361 para sa first dose ng COVID-19 vaccine, 194,752 sa 2nddose at 47,527 sa booster doses.

Orly L. Barcala