Nalaglag ang pambato ng Pilipinas na si Fil-Am alpine skier Asa Miller sa medal rounds sa 2022 Winter Olympic Games sa Yanquing National Alpine Skiing Center nitong Linggo.

Nabigo si Miller na tumuntong sa Run 2 ng men's giant slalom nang mairehistro ang malamyangperformance na DNF (did not finish), kasama ang 32 pang kalahok.

Si Miller na nag-iisang pambato ng Pilipinas sa quadrennial games ay hindi nakabilang sa 54 na alpine skiers na humakbang sa medal rounds. Pinangunahan ni Marco Odermatt ng Switzerland ang Run 1.

“It’s certainly a bummer and as the course got skied out.It’s not good on the upper pitch. I feel bum for him but he had an excellent warm-up this morning," ayon naman sa American coach ni Miller na si Will Gregorak.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinuloy ang nasabing kompetisyon sa kabila ng pag-ulan ng niyebe at halos zero visibility.

Noong 2018 Games sa Pyeongchang, tumuntong si Miller sa ika-70 puwesto sa men's giant slalom matapos umalagwa sa 81st at 68th sa Run 1 at Run 2, ayon sa pagkakasunod.