Sinabi ni presidential candidate at dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na hindi na siya nagulat nang i-endorso ng lider ng Catholic charismatic group na El Shaddai ang kanyang presidential bid at ang running mate nitong si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa darating na halalan.

Sinabi ni Marcos na sinuportahan ni Bro. Mike Velarde ang kanyang kampanya at adbokasiya noon at maging noong tumakbo siya bilang bise presidente noong May 2016 elections.

“It’s not surprising, because, like I said, his is a message of love, ours is a message of unity. It works very well together,” ani Marcos sa mga reporters sa naganap na ambush interview matapos silang iendorso ng grupo.

Nagpasalamat din si Duterte-Carpio sa religous leader at sa grupo, aniya alam din niya na ang pagkakaisa ay isang bagay na pamilyar at malapit sa puso ng mga miyembro ng El Shaddai.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Nang tanuning kung ano ang dahilan kung bakit niya inendorso ang Marcos-Duterte tandem, sinabi ni Velarde na pareho silang proactive na humingi ng kanyang suporta.

“Matagal nang lumapit sa akin yang dalawang iyan. Lalo na si Bongbong," ani Velarde.

“It’s time for us Filipinos to be united. After all, napagbigyan natin yung mga kalaban ni Marcos ng maraming taon di ba? Baka naman ito may magawang mabuti sa atin.That’s why I have chosen them,” dagdag pa niya.

Hannah Torregoza