Ipinangalan ng isang non-governmental astronomical organization ang isang asteroid sa 60-taong-gulang na Pilipinong doctor at amateur astromomer.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), opisyal na pinangalanan ng Paris-based International Astronomical Union (IAU) ang 8-kilometer-wide asteroid, na itinuturing ding minor planet, "7431 Jettaguilar" bilang parangal kay Dr. Jose Francisco "Jett" Aguilar, isang neurosurgeon sa Philippine Children's Medical Center, Philippine General Hospital, at Cardinal Santos Medical Center.

"He is also the clinical director of the Philippine Movement Disorder Surgery Center, which pioneered 'Deep Brain Stimulation' surgery for Filipino patients afflicted with a rare genetic movement disorder called 'X-Linked Dystonia Parkinsonism,'" pahayag ng DOST.

Trending

Estudyante sa Thailand, naipit ulo sa railings kasusulyap kay 'Crush'

Larawan: Fortunato de la Peña/FB

Dagdag pa ng DOST, mahigit dalawang dekada nang nagsasagawa ng neurosurgery si Aguilar sa mga sanggol na Pilipino at kilala sa komunidad ng medisina para sa matagumpay na pagkuha ng isang parasitic twin mula sa isang tatlong linggong bata noong 2019.

Bukod pa dito, si Aguilar ay isang masigasig na astrophotographer sa loob ng higit sa 15 taon, at ang kanyang mga larawan ng Araw, ang transit ng Venus, mga lunar eclipses at iba pang mga celestial na kaganapan ay nai-publish sa Spaceweather.com at Skyandtelescope.org.

"He is also an avid eclipse chaser, and he has traveled overseas with members of the ALP to observe and photograph total and annular solar eclipses in China, Indonesia, the U.S., and Singapore."

Pagpapaliwanag ng DOST, ang asteroid na ipinangalan sa doktor ay umiikot sa Araw sa pagitan ng mga orbit ng Mars at Jupiter.

Larawan: iau.org. via Fortunato de la Peña

"The 7431 Jettaguilar revolves around the Sun at an average distance of about 463 million kilometers and takes it about 5.4 years to complete one orbit. It is currently about 643 million kilometers from Earth, shining very dimly at magnitude 19.5 in the constellation Sagittarius. One would need a fairly large telescope and sensitive CCD camera to record its faint, star-like image."

Ang 7431 Jettaguilar ay naiulat na natuklasan noong Marso 19, 1993 ng European Southern Observatory sa Chile. Ito ay binigyan ng preliminary designation na 1993 FN41.