Pagkatapos mailabas ang latest video ng VinCentiments na 'Pagod Len-len' na nagtatampok kina Senadora Imee Marcos at Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia, marami umano sa mga netizen na propesyunal at manggagawa ang nasaling at nasaktan tungkol sa mga taong nagtatrabaho ng 18 oras pataas.
Sa mga celebrity, isa sa mga pumalag dito ang bagong 'Pinoy Big Brother' (PBB) main host na si Bianca Gonzalez sa pamamagitan ng kaniyang tweet.
"Saludo sa lahat ng mga nagtatrabaho at kumakayod ng 18 hours or more in a day para lang kumita ng ikabubuhay ng sarili't pamilya. ??????" tweet ni Bianca.
Saad naman ni award-winning ABS-CBN screenwriter at nominado sa ilalim ng Kapamilya ng Manggagawang Pilipino party-list na si Jerry Gracio, "Wala talagang respeto sa mga manggagawa ang pamilyang 'yan. Di ba, minadali nga nila ang construction workers para masunod ang kapritso ni Madam? Noong bumagsak ang Manila Film Center at mamatay ang mga manggagawa, kebs, hinayaan nilang malibing nang buháy."
Pahayag naman ni propesor at political analyst na si Richard Heydarian, "Yes, for those who are SELF-MADE — and not relying on I’ll-gotten wealth of progenitors — even working 18 HOURS a day is sometimes NOT ENOUGH! Sorry, we had to EARN it OUR OWN, including graduating from university ✌️."
Reaksyon naman ng isang ENT Hospitalist na si 'Vince', MD,RN, sinabi niya na ang natamaan sa naturang video ay mga tunay na propesyunal at manggagawa.
"Mocking Leni for saying she works 18 hrs a day is like mocking nurses who have to go on double shifts, doctors who work for 36 to 48 hrs straight, factory workers who are constantly on OT, vendors who sleep on the streets with their paninda on display 24/7, stay-in kasambahays who attend to their amos orders day and night, people who work multiple jobs just to make ends meet. Leni is our VP, the second highest leader in our country, we deserve nothing less from her."
"This is how detached from reality Imee is and yet we allow this dim witted person to craft laws that are supposed to improve our lives? Nakukuha n'yong pagtawanan 'yan dahil hindi ninyo naranasan ang realidad ng buhay ng karaniwang manggagawang Pilipino na nagkakandakuba-kuba sa kakatrabaho," aniya.
Narito pa ang ilan sa mga reaksyon ng mga manggagawang netizen:
"It’s true working 18 hours a day everyday isn’t healthy. But this is the reality for many people - doctors, nurses, teachers, journalists, film production staff, etc. If you don’t have to work most of your waking hours, good for you. But you don’t get to demean those who have to."
"Darryl Yap’s cheap content is angering, but it is much more saddening. To call people who work for 18 hours or so, as stupid and liars is insulting, disgusting, and insensitive."
"Insensitive content. Napakaraming taong nagtatrabaho ng higit pa nga sa 18 hours. I experienced making AVP for a government agency for almost 40 hours. At maraming beses na nangyayari 'yan. Tunay na nakapanghihina. Nakakapagod. Nakakatamlay. Lalo na kung di ka naman appreciated ?. Kasama ka sa trabaho. Pero sa blessings ay hindi ka kino-consider. Well, it's not about me. Kumusta naman ang mga nasa hospital, mga sundalo, mga bumbero, mga health workers who have been working for more than 24 hours? Saludo sa mga Frontliners!"
Kung may mga pumalag ay may mga nagbigay naman din ng kanilang pagpanig tungkol dito. Isa raw itong 'wake up' call. Isang medical doctor ang nagbahagi ng kaniyang social media post tungkol dito, na ibinahagi naman ng isa sa mga gumanap sa video na si Juliana Parizcova Segovia.
"So, I saw this post by Direk Darryl Yap . And yes, I've seen his Kape Chronicles, esp his latest 'Pagod LenLen'. As an MD, do I feel offended? No. Clearly, it is SATIRE. And Satire is Art. Kahit di natin gusto, it remains an expression of his art."
"Sabihin nila, di ba nag-duty tayo 24, 36 hrs noong training? Oo. Mahirap di ba? Bangag ako. Naranasan ko yung lupaypay buong katawan ko after a 12 hr ER duty na halos nakadikit na katawan ko sa kama, di makakain and makahilamos man lang. I will not wish that sa isang non-MD or even kapwa MD ko. Yung ganung level of exhaustion."
"If you watch the 3rd episode, without emotion/attributions, naaawa ang tatlong characters kay LenLen. Ang dating sa akin, they feel that nobody should be that exhausted."
"The rest, SATIRE."
"To me, relating this 3rd episode to our real struggle is a bit off. Hanap tayo documentary. Yun, baka puwede pa."
Sa isa pang FB post ng medical doctor na ito, "Satire Thoughts: Satire is not meant to be funny all the time and does NOT really 'punch up'".
"IT DOESN'T CARE HOW YOU FEEL ABOUT IT."
"Take you up, down, sideways…"
"Matuwa, maiyak, mabanas, magalit, mainsulto, mabastos, maiskandalo, makornihan ka man…"
"Wapakels si satire, kumbaga."
"Pag hinamon ka ng ganyan at pinatulan mo, ang tawag doon ay Satire Wars. Bardagulan in art form."
Samantala, mukhang 'unbothered' naman dito ang direktor na si Darryl Yap. Aniya, ipagpapatuloy pa rin niya ang paggawa ng Kape Chronicles, ayon sa kaniyang latest Facebook post.
"1. The Uniteam BBM-Sara achieved its solid base support last year. yung mga nagsasabing naawa raw sa iba kaya lilipat—impossible. all they can sway are undecided and anti-marcos voters. the Support for the uniteam is very strong. despite tons of bitter remarks from other candidates, kahit pa tadtad ng ads ang iba. we all know this. let’s not daydream."
"2. Yes, Uniteam is against negative campaigning. ayaw nila yung strategy ng kalaban. I should know, I talked to the team, they turned my plans down. BUT I AM NOT PART OF THEIR TEAM. sila lang yun— ako, kasama ng ibang sumusuporta, sawa nang manahimik habang inaalipusta ng iba. Di kami kasing bait ni BBM."
"3. Bawat labas ng Episode, mas nagiging malinaw ang tunay na kulay ng kalaban. konting panahon na lang at mas makikilala n'yo pa sila."
"*pansinin mo, kung sino ang presidente ng mga plastik mong kaibigan, mga righteous at nagmamagaling…you’ll know. Sa madaling salita— tuloy ang Kape Chronicles."