Marami ang natuwa sa panibagong Instagram post ni Andi Eigenmann na nagpapakita ng kaniyang simpleng hitsura habang siya ay nasa Siargao pa.

"After all, it is still this life that I yearn for and dream about everyday. Can't wait to come home," ayon sa caption ng kaniyang Instagram post.

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Screengrab mula sa IG/Andi Eigenmann

Natuwa naman ang mga netizen dahil ipinakikita raw ni Andi na puwede namang maging masaya ang isang celebrity kahit simple lamang ang pamumuhay.

"You are still the beautiful little agua bendita girl that I used to watch before and I always love to watched it," sabi ng isa.

Saad naman ng isa, "You look like Moana! The typhoon won't and can't change the island's tranquility ? ❤️ ?️ trees will grow again,the houses will be built. ? Still one of the best island I've ever been to. Paradise?."

"Freedom, fresh air, fresh fish and meat, fresh harvest fruit and vegetables without too much fertilizer. This is freedom and a true life, a provincial life," wika naman ng isa.

Samantala, isang netizen naman ang nakapuna sa umbok sa tiyan ni Andi, at inakala niyang baby bump o buntis ulit ito.

"Baby bump??," wika ng netizen.

Agad namang sumagot dito si Andi, "That's my postpartum bump, dear ?."

Kumambyo naman ang netizen at agad na humingi ng tawad sa aktres, "sorry mommy ? happy lang naman po at na-excite sana if merong new baby, sorry po talaga ❤️."

Samantala, isa namang netizen ang nagtanong kung sino ang iboboto o ineendorso niyang kandidato sa pagkapangulo.

"Sino po president n'yo?" tanong nito.

Hindi ito sinagot ni Andi, bagama't marami sa mga netizen ang bumasag dito.

"No need to know ok na wala siyang sabihin basta concentrate lang siya sa family niya at wag haluan ng politics."

"It’s not respectful to ask about personal matters like politics and religion. MYOB (mind your own business)."

"Politics and religion are not really a good topic to discuss in a conversation (or a good conversation opener) unless you would want it to end up in a debate or argument."

"That was an intrusive question of yours, never discuss politics, religion and money with strangers!"

Katwiran naman ng netizen na nagtanong, "How is that disrespectful? It was just a harmless question."

Sagot naman ng isang netizen, "Cuz it opens a can of worm. It causes division and starts disagreement. Like what happened to Toni G. And Some people like to keep their opinion to themselves."

Hindi naman ito sinagot ng aktres na partner ng surfer na si Philmar Alipayo.