Ipinagtanggol ng kilalang social media personality na si Jam Magno ang kontrobersyal na TV host-actress-vlogger na si Toni Gonzaga mula sa 'cancel culture' na napagdaanan nito sa social media, matapos ang pagho-host ng UniTeam proclamation rally noong Pebrero 8, 2022 sa Philippine Arena, at hayagan nitong pagsuporta kay presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ayon kay Jam, para sa kaniya, tama lamang umano ang desisyon ni Toni na magbitiw bilang main host ng Pinoy Big Brother o PBB, sa 16 na taon, simula nang umober da bakod siya mula sa GMA Network patungong ABS-CBN noong 2005.

“Leaving PBB might be one of the best things that will ever happen for Toni G,” pahayag ng social media personality.

Maaaring ang pag-alis raw ni Toni sa show ay magbukas ng iba pang mga oportunidad sa TV host, at isa na raw dito ang pagiging susunod na presidential spokesperson ng bansa, kung sakaling palaring manalo si BBM.

'Sarap sa pakiramdam!' Kiray mahal na mahal, never niloko ng jowa

“You know why? Because what if she’s the next spokesperson of the Philippines?”

“Can you imagine her beautifully contoured face, svelte body and all that, every single day speaking on behalf of our president?”

Ipinagtanggol din ni Jam Magno ang TV host sa patutsada ni dating PBB housemate at miyembro ng GirlTrends na si Dawn Chang. Inungkat pa nito ang isyu noon sa GirlTrends na hindi sabay-sabay na pagsayaw sa noontime show na 'It's Showtime'. Tinawag pa niya itong 'abo' lamang ni Toni.

Samantala, wala pang tugon si Dawn sa mga pahayag laban sa kaniya ni Jam Magno.