Ibinahagi ni Senatorial aspirant Antonio Trillanes IV ang pagiging mahabagin ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo matapos makipag-selfie sa isang babaeng supporter sa kabila ng komosyon sa isang motorcade.
Nag-post si Trillanes ng video na kuha sa Tabaco City, Albay kung saan nakita si Robredo na nakasakay sa isang motorcade vehicle habang sinubukan ng isang supporter na sumakay sa parehong sasakyan para makipag-selfie sa kanya.
“Simpleng display ng malasakit. Nahawi ng security pero pinagbigyan ni next President Leni,” mababasa sa caption ni Trillanes sa kanyang social media post.
Noong una, nakatalikod si Robredo sa supporter dahilan para hindi niya nakitang sapilitang sumakay ang kanyang tagasuporta sa kabila ng pagtatangka ng babaeng security personnel ng Bise Presidente na hilingin na bumaba ito.
Bumaba siya sa campaign vehicle, ngunit sa wakas ay napansin siya ni Robredo at hiniling sa kanyang mga security escort na pasakayin siya sa sasakyan, kung saan sila nag-selfie.
Ang video ay kuha sa Tabaco City sa Albay noong Miyerkules, Pebrero 9, ang ikalawang araw ng opisyal na panahon ng kampanya. Sinimulan ni Robredo ang kanyang kampanya sa kanyang sariling rehiyon sa Bicol.
Tiniyak ni Trillanes sa mga tagasuporta na "nababahala sa mga posibleng paglabag sa Comelec (Commission on Election) rules" sa social distancing protocols dahil sa pandemya na imposibleng ma-disqualify ng poll body ang Bise Presidente dahil sa selfie.
“Kung si BBM hindi na-DQ for not paying taxes, palagay ko naman di nila idi-DQ si Pres. Leni dahil may nagpa-selfie. Tama?,” tanong ni Trillanes.
Sa botong 2-0, ang First Division ng poll body ay bumoto para ibasura ang tatlong pinagsama-samang kaso ng disqualification laban kay Marcos dahil sa "kakulangan ng merito" sa kabila ng naunang paghatol ng Regional Trial Court at Court of Appeals.
Raymund Antonio