Nagbigay ng kaniyang reaksyon at saloobin ang tinaguriang 'Queen Sawsawera' na si RR Enriquez sa naging saloobin ni dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate Dawn Chang hinggil sa pagsuporta ng dating PBB main host na si Toni Gonzaga sa UniTeam.

Ang UniTeam ay pinangungunahan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at vice presidential aspirant Sara Duterte, kasama pa ang senatorial aspirant na si Congressman Rodante Marcoleta, na isa sa mga gumisa sa ABS-CBN sa kasagsagan ng franchise renewal nito noong 2020.

Ayon sa matapang na pahayag ni Dawn sa kaniyang social media, bilang isang Kapamilya artist at dating PBB housemate ay nainsulto at nadismaya umano siya sa ginawa ni Toni.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Dawn Chang at Toni Gonzaga (Screengrab mula sa IG/RR Enriquez)

Isa sa mga nag-react nga rito ay si RR.

"I just believed that Toni stood up to what she believes in?❤️❤️❤️," ani RR sa kaniyang Instagram post noong Pebrero 11.

"So if Dawn Chang say’s she will forever cherish standing up to what she believes in…"

"My question is… So ikaw pwede mag-make stand?! Si Toni hindi???? So yung paniniwala mo lang ang importante??? Yung paniniwala ni Toni hindi?."

"And one more thing… Everybody has different views what happened in Martial law… Some people think Martial law is worst. Former President Marcos is worst… To some people hindi! He’s one of the best President!"

Para kay RR, hindi puwedeng isisi sa anak ang nagawa ng magulang.

"And gaya nang palagi ko sinasabi… Hindi pwede isisi sa anak ang nagawa ng magulang. I already gave the example before. Kung ang nanay mo pokpok sa mga Americano dahil uso 'yan dati sa Clark, nabalita 'yan sa TV so ang anak pokpok na din dapat kahit nakapag-aral nang maayos at coctor, abogado, nurse etc. na ngayon????"

"Ya’ll live in the past kaya puro hatred nasa heart n'yo… Kilalanin n'yo yung tao. Upuan n'yo… Maybe nagawa ni Toni 'yun at nakilala n'ya sila Marcos kaya she chose to support Marcos."

"Stop judging him base on the past. Pag-aralan n'yo yung ngayon, yung mga plano n'ya. Yung mga nagawa n'ya!"

Nilinaw ni RR na hindi siya 'bayaran'. Susuportahan daw niya ang kandidatura ni BBM.

"FYI: Hindi din po ako bayad.. Pero I stand for Marcos and I will vote Marcos!!!!!??????"

Si Dawn ay isang certified Kakampink o tagasuporta ni Vice President Leni Robredo.

Nagbigay rin siya ng reaksyon sa mga ikinagagalit ng mga empleyado at avid Kapamilya fans ng ABS-CBN tungkol sa isyu ng buong-lugod na pagpapakilala umano ni Toni kay Cong. Marcoleta.

"Regarding sa pagkawala ng trabaho ng mga tao sa ABS-CBN… Hindi natin alam ang tunay na nangyari. Marami ang nag-vote at sumang-ayon hindi lang isang tao 'di ba? So why would you blame Toni if she wants to support Rodante Marcoleta, who voted against ABS-CBN’s franchise renewal, during the proclamation rally??? I’m sure meron din nagawa ang ABS-CBN bakit nangyari 'yan."

"Natatandaan ko dati during my time sa Wowowee napabalita yung mga nag-rally na mga cameramen at iba pang mga empleyado ng ABS-CBN dahil bigla sila tinanggal ng ABS-CBN nang walang kalaban-laban… There’s a lot of things happened na hindi kumpleto ang knowledge natin so please stop blaming Toni kung ano napili niya."

"Para sa akin nakakalungkot talaga yung nangyari para sa mga nawalan ng trabaho. But life doesn't end there. Ngayon pandemic, marami nawalan ng work (hindi lang taga ABS-CBN) marami ang nalugi ang business but that doesn’t mean na katapusan na ng mundo mo!! Baka mas may maganda pang nakalaan sa'yo❤️??," aniya.

Samantala, inireklamo naman ni Dawn Chang ang 'below the belt' umanong akusasyon sa kaniya ng showbiz columnist na si Cristy Fermin, sa radio program/digital show nitong 'Cristy Ferminute', sa pamamagitan ng kaniyang legal counsels.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/11/kulong-o-public-apology-dawn-chang-pinalagan-ang-mabigat-na-alegasyon-ni-cristy-fermin/

“If you want to destroy the reputation of our client, you will fail, because truth and principle is on our side. The truth is stringer that people like yoo. God will always triumph over evil," bahagi ng opisyal na pahayag na inilabas ng kampo ni Dawn.