Excited ka ba para sa paparating na Pebrero 14? Nais mo bang si junjun ay sumigla o 'di naman kaya'y rosas mo naman ang mamukadkad sa darating na Araw na mga Puso? Ano pang hinihintay mo? Alamin na ang mga pagkaing maaaring makapagpataas ng iyong libido upang bonding moments ng partner mo ay 'di mapurnada.

Narito ang listahan ng mga dapat hindi mo makalimutan upang broom-brooman niyo ng iyong partner ay maging masaya at aktibo lalo na sa parating na Araw ng mga Puso:

  1. Tsokolate (Dark Chocolate), Oysters, at mga klase ng Berries

Human-Interest

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?

Una na sa listahan ay mga pagkain magbibigay sayo ng sigla at enerhiya. Ang mga pagkaing tulad ng dark chocolate at berries ay nakakapagpataas ng iyong dopamine level. Ang dopamine ay may responsable upang ikaw ay makaramdam ng kasiyahan at pagganyak. Kapag maganda ang pakiramdam mo na nakamit mo ang isang bagay, ito ay dahil mayroon kang surge ng dopamine sa utak. Samantala, ang oysters naman ay may mataas na zinc na kinakailan naman ng iyong katawan.

  1. Kangkong at iba pang green na gulay

Ang Kangkong ay nagtataglay ng magnesium na siya namang tumutulong upang paluwagin ang iyong blood vessels. Sa ilang pag-aaral, nakakadagdag ng mas magandang arousal ang maayos at maluwag na daloy ng dugo kaya naman mainam ito para pasarapin ang inyong pagtatalik.

  1. Okra

Tulad rin ng mga nauna sa listahan, ang okra ay nagtataglay ng mataas na magnesium level. Bukod sa pagpapaluwang ng daluyan ng dugo, nakakatulong rin ito upang maiwasan ang muscle cramps lalo na sa oras ng inyong siping.

  1. Sili

Nakakatulong ang sili o mga pagkaing maaanghang upang madagdagan ang iyong metabolismo at pasiglahin ang iyong endorphin. Ang mga endorphins ay nagdudulot ng positibong pakiramdam sa katawan, katulad ng sa morphine. At dahil nagiging mainit ang iyong pakiramdam, nagiging sexual stimulant rin ang sili.

  1. Prutas tulad ng Saging at Pakwan

Ang saging ay tunay ngang magpapakalakas ng iyong 'saging' rin dahil ang nasabing prutas ay nagtataglay ng bromelain enzyme, na siyang esensyal upang pataasin ang iyong libido. Samantala, ang nagiging stimulant naman ang pakwan dahil sa ito ay naglalamang ng citrulline, isang uri ng amino acid na nakakatulong sa iyong blood vessels.

  1. Unsweetened Tea

Maganda ang tsaa bilang antioxidant na siya namang nakakatulong upang pagandahin ang daloy ng dugo. Kung maayos ang daloy ng dugo, tiyak na gaganda ang memorya, pokus, at mood. Bakit nga ba kinakailangan na unsweetened? Ayon sa ilang pag-aaral, nagiging sahindi ng pagbaba ng endorphins ang mataas na sugar sa katawan.

Ano naman ang mga pagkain na kinakailangan mong iwasan?

Ang mga sumusunod na pagkain ay nakakapagpababa ng testosterone level ng katawan:

  1. Junk Foods
  2. Pritong Pagkain
  3. Popcorn
  4. Kape (Kung lalabis)
  5. Alak o Serbesa (Kung lalabis)
  6. Soft drinks (Kung lalabis)

Ang mababang testosterone level ay nagreresulta sa pagbaba ng libido.