Matapang na binira ni presidential aspirant at labor leader Ka Leody de Guzman si Senator Imee Marcos sa kanyang bagong Facebook post.

Ayon kay de Guzman, hindi daw naranasan ni Marcos ang maging manggagawa kaya naman nasasabi nitong "lying" o "stupid" ang mga taong nagta-trabaho ng 18 oras kada araw.

BASAHIN: Sen. Imee, bida sa kape chronicles na ‘Bitter Len-len’ ng VinCentiments

Aniya, "Hindi rin siya nakalinga ng karaniwang ina na may double burden ng gawaing bahay bukod sa pagtatrabaho."

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

BASAHIN: ‘Kape Chronicles’ na pinagbibidahan ni Imee Marcos, tampok ang ‘malamlam’ na kape ni ‘Len-len’

Nagiging sanhi ang kababaan ng sweldo sa bansa kung kaya napipilitan ang mga manggagawa na mag-overtime at humanap pa ng sideline.

Bukod sa pagbira kay Imee, nag-iwan naman ng solusyon si de Guzman na sinabi na kinakailangang repormahin ang batas ukol sa regular hours of work.

Para kay de Guzman, mula sa walong oras na pagta-trabaho, kayang tapyasin ito at gawing anim na oras lamang nang hindi nababawasan ang sweldo.

"Ang "shortening of the working day" ay tuloy-tuloy na laban ng global labor movement. Dati, ang trabaho ay mula 12 hanggang 16 oras kada araw nang walang overtime premium. Subalit naisabatas ang universal standard na 8-hour working day dahil sa sama-samang pagkilos ng mga manggagawa, sa loob at labas ng gobyerno," ani de Guzman.

Dagdag pa niya, "Sa pag-unlad ng teknolohiya, dapat nadadagdagan ang oras na kontrolado ng tao ang kanyang buhay. Hindi tayo karugtong ng makina o mga simpleng kasangkapan sa operasyon ng kompanya. Labas sa pagkakayod, may pagpapasya tayo na gawin ang nais nating gawin. Walang dikta ng amo at company rules and regulations. Dito lamang tayo nagiging tunay at malayang tao."