Napansin ng mga netizen na burado na ang mga vlogs sa YouTube channel ng dating 'Pinoy Big Brother' o PBB at miyembro ng 'GirlTrends' sa 'It's Showtime' na si Dawn Chang, matapos kuyugin ng mga netizen na nasa panig ng TV host-actress na si Toni Gonzaga, matapos niyang batikusin sa social media.

Screengrab mula sa YT/Dawn Chang

Ang kaniyang YT channel ay may 130L subscribers. Hindi naman burado ang mga posts niya sa Facebook, Instagram, at Twitter.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang sinabi ni Dawn sa kaniyang social media platforms na nainsulto at nadismaya siya sa ginawang pagho-host ni Toni sa UniTeam proclamation rally, at pag-eendorso kay presidential aspirant Bongbong Marcos. Si Dawn ay isang certified Kakampink.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/10/dating-pbb-housemate-dawn-chang-nainsulto-imbyerna-kay-toni/

"It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow Kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga. Paano n'yo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?," ayon sa kaniyang Instagram post.

Screengrab mula sa IG/Dawn Chang

"As a former PBB housemate, alam kong magtatampo nyan si Kuya."

"I cannot remain quiet. Alam ng lahat ng artista na mas "safe" ang manahimik na lamang. Pero hindi ko po kaya. Hindi pwede. It is my privilege to lend my small voice in this battle for the soul of our country. Kaya sa aking mga kapwa Pilipino, kay @bise_leni @lenirobredo po ang suporta ko. Hindi po ako binayaran dito."

"If this is my biggest fight, then I will forever cherish standing up to what I believe in. Hindi po pera pera. Heto po ay laban ng prinsipyo. I want all of us to say "Hello" to a better Philippines."

"Today, and always, I pray for everyone's guidance. May He send us His true guardian angels."

"I will forever fight the good fight with all of my true kapamilyas and the Filipino people."

Kinondena naman ito ng showbiz columnist na si Cristy Fermin at napagsalitaan ng maaanghang at masasakit na salita ang TV personality. Inispluk pa nito na kaya umano nagkakaroon ng trabaho si Daw ay dahil sa 'pakikipaglandian' umano nito sa mga boss ng network.

"Pabash-bash ka pa, ikaw ang dapat i-bash dahil wala kang mararating kung hindi ka nakikipaglandian sa mga boss!" pagdidiin ni Cristy sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/11/cristy-fermin-may-banat-kay-dawn-chang-wala-kang-mararating-kung-hindi-ka-nakikipag-landian-sa-mga-boss/

Kasunod nito, pumalag ang abogado ng aktres upang balaan ang batikang showbiz commentator sa maaari nitong kaharaping patong-patong na reklamo kung hindi babawiin ang 'malisyosong' komento sa kanilang kliyente.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/02/11/kulong-o-public-apology-dawn-chang-pinalagan-ang-mabigat-na-alegasyon-ni-cristy-fermin/