Aabot sa siyam ang naiulat na napatay at tatlong nasugatan nang tambangan ng umano'y kaaway na angkan sa Barangay Kalumamis, Guindulungan, Maguindanao, nitong Sabado ng umaga.

Sa pahayag ng Maguindanao Police, kabilang sa siyam na napatay si Peges Mamasainged, alyas Commander Black Magic.

Sinabi naman ni Maguindanao spokesperson Capt. Fhaeyd Cana, patungo na sana ang grupo ni Mamasainged sa Brgy. Kitapok sa Datu Saudi Ampatuan nang pagbabarilin ng mga hindi nakikilalang lalaki dakong 8:30 ng umaga.

Sinasabi ng pulisya na layunin ng grupo ni Mamasainged na makipagkasundo na sana sa kaaway nilang angkan at makapagdaos din sana ng thanksgiving nang maganap ang insidente.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

"Ang suspect, a group of certain a.k.a. Jordan pati ’yung anak niya na si a.k.a Nilong. One of the allegations is that itong grupo at grupo nitong victim ay mayroon na silang previous rido," dagdag pa ni Cana sa isang television interview.