'Better Philippines' umano ang birthday wish ng batikang aktres na si Angel Aquino, ayon sa kaniyang latest Instagram post.
Ipinagdiwang ni Angel ang kaniyang 49th birthday noong Pebrero 7.
"On my birthday I was asked to make a wish and in all honesty I wished for a better Philippines."
At upang matamo umano ang isang mas maayos na Pilipinas, buo ang suporta niya kay presidential aspirant at Vice President Leni Robredo. Isa siyang certified Kakampink.
"Kaya Iboboto ko si Leni. Dahil sigurado ako na mahal niya ang Pilipino at hindi ang ambisyon niya. Hindi ang kapangyarihan, at lalong hindi ang pera," aniya.
Bukod kay VP Leni, suportado rin niya bilang bise presidente si Senador Kiko Pangilinan at ang iba pang mga kumakandidatong senador sa ilalim ng kanilang senatorial slate.
"This is Leni and this is the truth. For true change the Filipinos need courageous, real, honest and good leaders. To me those are VP Leni, Sen Kiko, Sen Leila de Lima, Sen Trillanes, Bong Labog, , Atty Neri Colmenares, Teddy Baguilat, Atty Chel Diokno, Atty Alex Lacson, Atty Sonny Matula and Sen Riza Hontiveros."
Dagdag pa niya, "It’s time we vote for the betterment of our country. Walang mawawala, we’ll only get a better government."
Kalakip ng IG post niya ang kaniyang art card kung bakit pinipili niya si VP Leni.
"Iboboto ko si Leni Robredo dahil sa Gobyernong tapat, maisusulong ang tunay na pagbabago para sa kapakanan, kaunlaran, at kasaganahan ng lahat."