Inamin ni Yoon Chanyoung (Cheong-san) sa isang panayam kamakailan na “first kiss ever” niya si Park Jihu (Nam Onjo) sa totoong buhay at sa emosyonal na episode ng Netflix zombie series, "All Of Us Are Dead.”

Sa ulat ng Koreabo, binahagi ni Chanyoung ang rebelasyon na “first kiss ever” niya sa harap ng camera at sa totoong buhay si Jihu.

"I don’t know if I am allowed to say something like this, but that was my first kiss,” ani Chanyoung.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Larawan mula Netflix

Dahil sa first kiss nga ito ng aktor, inakala pa niyang magiging awkward ang kalalabasan ng eksena.

"When we first started the scene, our lips didn’t touch,"aniya.

"Our noses blocked it. At the time, I thought, ‘Huh? What am I supposed to do?’ It was a sad scene, but the producer showed us the reel on the monitor while laughing. They said it was cute." Pagbabahagi ni Chanyoung.

Mapapanuod sa emosyonal na Episode 11 ang nasabing eksena na umani ng sari-saring reaksyon sa netizens kamakailan.

Basahin: ‘All Of Us Are Dead,’ binasag ang unang 3-day streaming record ng ‘Squid Game’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang series ay tungkol sa isang grupo ng mga estudyante na pilit makalayo sa Hyosan High School, isang eskwelahan na naging epicenter ng zombie virus.

Basahin: Francine, nakatanggap ng DM mula kay ‘All Of Us Are Dead’ actor Yoon Chanyoung – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid