Iniulat ng Department of Health (DOH) na umaabot na lamang sa mahigit 84,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa case bulletin #700, nabatid na nakapagtala na lamang ng 3,792 bagong kaso ng sakit ang DOH nitong Sabado, Pebrero 12, sanhi upang umakyat na sa 3,634,368 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 2.3% na lamang o 84,229 ang aktibong kaso, kabilang ang 76,487 mild cases, 3,016 asymptomatic, 2,971 moderate cases, 1,443 severe at 312 na critical.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 10,662 na mga pasyenteng gumaling na sa karamdaman.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa ngayon, mayroon nang 3,495,209 na total COVID-19 recoveries sa Pilipinas.  Ito ay 96.2% ng total cases.

Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng 76 pasyente pa na sinawimpalad na binawian ng buhay dahil sa sakit.

Sa kabuuan, ang bansa ay mayroon nang 54,930 COVID-19 deaths o 1.51% ng total cases. 

Mary Ann Santiago