Hindi nagtimping naglabas ng saloobin si ABS-CBN Music Creative Director Jonathan Manalo kasunod ng inilabas na desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na payagang tumakbo sa presidential race si dating senador Bongbong Marcos Jr. sa kabila ng conviction nito noong 1995 kaugnay ng kanyang bigong paghain ng income tax returns.

Sa dalawang magkahiwalay na Facebook posts nitong Biyernes, Pebrero 11, nagpahayag ng pagkadismaya ang award-winning music producer at songwriter sa pasya ng Comelec.

“Partida yan nakalusot na naman sa batas! Kahit convicted pa siya. Paano pa kung maging Pangulo yan. Isipin n’yong mabuti ang pinapasok ninyo…. Huwag bumoto ng mga subok nang sinungaling at magnanakaw. Mas malala pa yan pag nakapuwesto na.??‍♂️” saad ni Manalo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Screengrab mula sa Facebook post ni Jonathan Manalo

Sunod na nakisimpatya si Manalo sa mga “tax-paying citizens” at iginiit na ang “kapal ng mukha ng kung sino pang mga nasa kapangyarihan sila pa nga ang di nagbabayad ng taxes sila pa rin ang kumakamal ng salapi.”

Screengrab mula sa Facebook post ni Jonathan Manalo

“Exposed na ang violations and past court convictions pero decision is cleared to be in his favor pa rin,” dagdag ni Manalo.

“Kawawa talaga ang simpleng mamamayan.”

Nauna nang iginiit ng mga nagpetisyon, hindi dapat na payagang tumakbo sa halalan si Marcos dahil nahatulan na ito sa paglabag nito sa Internal Revenue Code na may katumbas na hatol na pagbabawal na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno.

Gayunpaman, binanggit sa ruling ng Comelec na hindi isang krimeng may kaugnayan sa moral turpitude ang pagkabigo ni Marcos na maghain ng income tax returns noong 1982 hanggang 1985.

Basahin: DQ case vs Marcos, ibinasura ng Comelec – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Si Manalo ang creative mind sa likod ng ilang hit songs na binigyang buhay ng ilang ABS-CBN stars kabilang na ni Angeline Quinto, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga, bukod sa iba pa.