Iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi kailangan ang importasyon ng isda taliwas sa desisyon ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar dahil sapat naman umano ang suplay nito bansa.
Sinabi pa nito na nagsisisi rin siya sa pagsuporta kay Dar sa DA dahil puro importasyon lang umano ang ginawa mula sa karne ng manok, baboy, gulay, sibuyas, bawang, bigas at ngayon ay isda.
Sa nakaraang pagdinig ng Senado sa usapin, natuklasang sapat ang suplay ng isda sa bansa at kailangan lmang na marebisa ang ilang batas para tuluy-tuloy na daloy ng isda.
Tinukoy din ng senador ang Fisheries Code na kailangang dagdagan ng pangil upang mapigilan ang DA sakaling magpumilit na umangkat ng isda.
Leonel Abasola