Kuwestiyunable ang ruling Commission on Elections (Comelec) na nagbabasura sa iniharap na disqualification case laban kay presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr.
Sa isang television interview kay Vice President at presidential aspirant Leni Robredo sa gitna kanilang caravan sa Laguna nitong Biyernes, Pebrero 11, sinabi nito na maraming nakabiting tanong sa desisyon ng 1st Division ng Comelec na pumabor kay Marcos.
"Mahirap siyang intindihin kasi 'pag sinabing walang crime...eh kasi may conviction na sa RTC (Regional Trial Court) saka sa Court of Appeals. 'Pag sinabi mong walang enough na batas [para magparusa ng non-filing ng income tax return], magwa-wonder ka bakit na-convict kung wala palang enough na batas," pagtatanong ni Robredo na isa ring abogado.
Binanggit sa ruling ng 1st Division, hindi isang krimeng may kinalaman sa moral turpitude ang pagkabigong maghain ni Marcos ng income tax returns noong 1982 hanggang 1985
Sa 41 na pahinang desisyong ipinonente niCommissioner Aimee Ferolino, binanggit na hindi immoral o panloloko ang pagkabigong magharap ng income tax returns.
"It is hard to make further comments because the process is still ongoing. But there are more questions now because of the decision," banggit ni Robrero na sinabing pinag-aaralan ng mga petitioner na maghain pa ng kaso sa Comelec en banc at hanggang sa Korte Suprema.
Gayunman, binigyang-diin ni Robredo na kahit ano ang kahihinatnan ng kaso ay kumpiyansa pa rin ito na mananalo sa 2022 National elections.
“Aaminin ko sa inyo, from the very start naman 'yung pinaghahandaan nating laban hindi natin tinitingnan ‘yung disqualification, kung meron mang basis ang disqualification, ‘yun ay ibang usapan,” she said.
“But as far as the campaign and as far as the election is concerned, talagang yung pinaghahandaan natin na hanggang dulo maglalaban kami."
Noong 2016 vice presidential race, tinalo ni Robredo si Marcos sa botong 263,473.