Ang “People’s Campaign” na pinamumunuan ng volunteers ang magpapabaliktad sa mga resulta ng survey sa halalan pabor sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo at kalaunan ay makatutulong sa kanyang pagkapanalo sa karera, sabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez.

Ani Barry Gutierrez, ang survey rating ng bise presidente ay nasa "cleary upward” na trajectory habang papalapit ang halalan sa Mayo 2022.

“With 87 days left in the campaign, the push of that People’s Campaign, the push of those many, many small groups in various communities all over the Philippines, I have no doubt that (this) will change minds, that (this) will change hearts,” ani Gutierrez sa panayam ng ANC nitong Biyernes, Peb. 11.

“Even (if) this ends up to be a very close race, in the end, I have no doubts that they will be able to pull it through on the strength of that People’s Campaign,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasama sa People's Campaign ang mga online at physical campaign activities na inilunsad ng mga tagasuporta ni Robredo sa buong bansa upang suportahan ang kanyang kandidatura.

“I have been in several presidential campaigns, several national campaigns, and this is literally the first time I’m seeing this level of volunteers support and volunteer engagement. People self-organizing, self-financing, initiating their own activities within their own communities and we’ve seen several big examples of this in the past months,” sabi ni Gutierrez.

“The intensity, the energy, you can see it, you can feel it. And I have no doubt that that is what (is) responsible for bringing us to where we are right now, you know, 12 points higher than where we were in September,” pagpapatuloy ni Gutierrez.

Habang kinikilala ng kampo ni Robredo na ang kanyang karibal na dating senador na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ay nangunguna sa mga survey bago ang halalan, sinabi ni Gutierrez na ang bise presidente ay kasalukuyang nakakakuha ng momentum wala pang tatlong buwan bago ang botohan.

“We feel we are in the position we want to be and so long as the numbers keep going up in the next few weeks, then we are on track to(ward) actually pulling this out by May 9,” dagdag niya.

Alexandria Denisse San Juan