Inaasahang maipagpatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga laro nito sa Governors Cup ngayong Biyernes, Pebrero 11 matapos mahinto dahil na rin sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 noong Disyembre. 

Matapos ang mabakante ng isang buwan, magpapakitang-gilas ang NLEX laban sa Meralco upang makabawi nang talunin sila ng Phoenix Super LPG noong Araw ng Pasko.

"It is like opening day all over again. The excitement and anticipation is fever-pitch," lahad ni NLEX coach Yeng Guiao sa website ng liga.

Inaasahan na aniya nito ang matinding bakbakan nila ng Meralco na bibit ang mahusay ng import na si Tony Bishop.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

"We're looking forward to tough battles, starting with Meralco," sabi pa ni Guiao.

Ganito rin ang reaksyon ni Meralco coach Norman Black na hindi makakakuhang suporta ng bago nilang manlalaro na si ChrisBanchero dulot na rin ng health protocol.