Pinasinungalingan ngMalacañangang pahayag ng kampo ni presidential bet Ferdinand "Bongbong" Marcos na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Pangulong Rodrigo Duterte.
“(He got) tested and all his COVID RT-PCR tests are negative. In fact, ang nakalagay dun is 'not detected',” paglilinaw ni acting presidential spokesman, Cabinet Secretary Karlo Nograles nitong Huwebes ng gabi.
Nauna nang inihayag ng tagapagsalita ni Marcos na si Vic Rodriguez, na nagpositibo sa virus ang Pangulo kaya hindi inimbitahang dumalo sa proclamation rally ng UniTeam nitong Martes.
Sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Marcos ay dumalo sa pagsisimula ng kanilang kampanya na isinagawa saPhilippine Arena in Bulacan.
“Hindi kami nakapag-reach out pa kay (Duterte) dahil alam naman ninyo na kaka-positive lang (niya). I think hindi naman tama na obligahin natin ang Pangulo na unang una ma-involve sa political exercise tulad nito. At the same time, mindful din kami sa health and safety of the President sapagkat ilang araw lamang nakakalipas siya ay nagpositibo sa COVID-19,” pagsasapubliko ni Rodriguez nang kapanayamin ng mga mamamahayag.
Matatandaang inihayag ng Malacañang na sumailalim si Duterte sa quarantine matapos umanong makasalamuha ang staff member nito na nag-positive sa COVID-19.
Tinapos umano ng Pangulo ang kanyang quarantine nitong Pebrero 3 alinsunod na rin sa payo ng kanyang doktor matapos magnegatibo sa sakit.
Kamakailan, sinabihan ni Duterte si Marcos na isang "spoiled" at "weak leader."