Hindi pa rin naitawid ni Kai Sotto sa panalo ang kanyang koponang Adelaide 36ers laban sa Brisbane Bullets, 77-73 sa pagpapatuloy ng National Basketball League (NBL) nitong Biyernes.

Naka-anim na puntos lamang si Sotto, limang rebounds at isang steal habang nakakuha ng double-double ang kakamping Daniel Johnson,15 puntos at 12 rebounds.

Sa pagkakatalo ng 36ers, lalo pang bumaba ang kartada nito sa 4-7 habang ang Brisbane ay nasa 5-7, panalo at pagkatalo, ayon sa pagkakasunod.

Umungos pa ang Adelaide, 70-63, sa nalalabing 3:46 sa final period, gayunman, nagpakawala ang Bullets ng 12-0 run kaya naibalik sa huli ang kalamangan, 75-70.

Tatlong puntos na lamang ang naidagdag ng 36ers sa kanilang iskor at dinagdagan naman ng kalaban ang kalamangan hanggang sa matapos ang laro.

Mag-utol na Yulo, pinupulido preparasyon sa 20th Asian Games!

Huling nanalo ang Adelaide laba sa Melbourne United, 88-83 sa isang overtime nitong Pebrero 2.