Kasabay ng mga isyung bumabalot ngayon kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga kaugnay ng kaniyang hayagang pagsuporta sa kandidatura ni presidential aspirant Bongbong Marcos, lumutang ang iba't ibang mga kuwento tungkol sa kanilang mga karanasan at engkuwentro sa kaniya.

Isa na riyan ang theater actor at spoken word poetry artist na si 'Mark Ghosn' kung saan ibinahagi niya sa Twitter ang hindi malilimutang karanasan niya umano kay 'Toni' nang makasama niya umano ang TV host sa isang event sa mall. Nang mga panahon na iyon, isa siyang OJT o on the job trainee.

Bagama't hindi niya binanggit ang apelyidong 'Gonzaga' o 'Soriano', marami sa mga netizen ang na-shookt sa pasabog na ito, lalo't hindi nawawala ang pangalan ni Toni sa trending list, simula nang maganap ang proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena noong Pebrero 8.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Image
Larawan mula sa Twitter/Mark Ghosn

Sabik na sabik pa naman daw niyang makita ang TV host dahil idolo niya ito.

"Parati kong ibi-bring up yung incident na binato ako ni Toni ng tissue sa mukha after niya ipahid sa kilikili niya kasi deserve malaman na maldita talaga siya," tweet ni Mark nitong Pebrero 10.

Screengrab mula sa Twitter/Mark Ghosn

"OJT days sa SC, may mall show, hiniram ako ng SC sa dept namin kasi walang available na intern. Bilang idol ko siya at pinagtanggol ko pa siya sa paglipat niya, pumayag ako mag-asikaso."

"Naka stand-by siya kasi aakyat na sa stage, nag-smile ako, umirap. Iritable siya kasi namamasa kilikili niya so nagpakuha ng tissue, inabot ko, walang thank you.Pinunas ang tissue sa kilikili habang naiinip na tawagin kahit kararating niya pa lang naman."

Nagulat daw siya sa sumunod na ginawa ni Toni sa kaniya.

"Inabot ko ang mic sa kanya, binato sa mukha ko ang tissue na galing sa kilikili. Shookt ako. Nakita ng manager ko, ang sabi hayaan ko na lang daw, ganun daw talaga siya, masanay na lang daw sa showbiz."

"Pagsalang sa stage, nag-transform siya, ang bait bigla, todo ngiti. Inabutan ko ng poster sa stage, aba nag-thank you, haha, parang hindi siya yung kasama ko sa likod kanina."

"Sinabi ko sa mga classmates ko yung nangyari, yun pala, kaya ayaw nila sumama sa mall shows pag siya ang artista kasi may kaniya-kaniya rin silang experience, di man lang nila ako sinabihan kasi nga idol ko, haha."

Screengrab mula sa Twitter/Mark Ghosn

Screengrab mula sa Twitter/Mark Ghosn

Agad namang niretweet ng mga Twitter users ang kaniyang post at kagulat-gulat na marami rin ang nag-ispluk ng kanilang kuwento at karanasan.

Pagkatapos kumalat ng kaniyang tweet, iginiit ng theater actor na hindi siya nangangampanya ng kahit na sinong kandidato.

"I’m not campaigning for any candidate po ah, I’m only campaigning for the truth. No to fake news and fake people lang po tayo."

Screengrab mula sa Twitter/Mark Ghosn

"Ako naman ay nagkwento lang ano. Kung ang katotohanan ko ay magpipinta ng masamang imahe ng ibang tao, di ko na po responsibilidad yun, ang mahalaga di tayo maduwag na magbahagi ng personal nating karanasan para sana umayos na sila sa mga susunod na makakatrabaho nila."

"Kalma po at ‘wag tayong masyadong magpadala o magpalihis, yes the enablers need to be called out and exposed but remember what/who the real enemy is."

Screengrab mula sa Twitter/Mark Ghosn

Samantala, wala pang reaksyon o pahayag ang kampo ni Toni Gonzaga tungkol sa isyung ito.