Sa gitna ng pagbaba ng bilang ng mga impeksyon ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, sinabi ng isang health reform advocate na dapat tumuon ang Pilipinas sa paglikha ng isang pandemic exit plan, magsagawa ng mas maraming testing, at palakasin ang mga programa sa pagbabakuna.

“[COVID-19] cases [are] going down including positivity rate. We need [a] COVID-19 pandemic exit plan details [and we need to] focus on testings, vaccination and [our] booster programs,” sabi ni health reform advocate at dating National Task Force (NTF) against COVID-19 special adviser Dr. Anthony “Tony” Leachon sa isang Facebook post nitong Biyernes, Pebrero 11.

Hinikayat din ni Leachon ang pambansang pamahalaan na "iwasan ang campaign period surge" at gawing comercialized ang messenger ribonucleic acid (mRNA) vaccine sa bansa.

Samantala, nauna nang sinabi ng health expert na dapat “maingat na suriin” ng mga opisyal ng bansa ang paglipat ng Metro Manila mula sa Alert Level 2 status tungo sa Alert Level 1 at maghintay hanggang Marso 1, 2022, para maobserbahan kung tataas ang mga kaso.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang Martes, Peb. 15.

Higit pa rito, inaasahang iaanunsyo ng pandemic task force ng gobyerno ang na-update na antas ng alerto sa bansa sa Lunes, Peb. 14.

Charlie Mae F. Abarca